Babae itinago ang shabu sa maselang bahagi ng katawan

SHABU BUY BUST

NAPIGILAN ng mga guwardiya ang tangkang pagpuslit ng shabu sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology district jail sa Pagbilao, Quezon kahapon, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Senior Supt. Rhoderick Armamento, Quezon police provincial director, na kusang isinuko ng suspek na si Elvira Lavilla, 35, ang apat na sachet ng shabu na kanyang itinago sa kanyang maselang bahagi matapos siyang kapkapan ng jail guard na sina Michelle Merilloza and Lian Ferrer ganap na alas-1:20 ng hapon.
Bibisitahin sana ni Lavilla ang kanyang ka-live in.
Nakumpiska mula sa suspek ang 18.6 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P33,500.

Read more...