Pinayagan ng Regional Trial Court sa Baybay City ang mga akusado sa pagpatay kay Mayor Rolando Espinosa Sr. ng Albuera,Leyte, at Raul Yap na manatili sa police unit kung saan sila nakatalaga nang isinagawa nila ang raid.
Nahaharap si Marcos at 18 iba pang operatiba ng CIDG sa kasong murder matapos ang pagpatay kina Espinosa at Yap sa loob ng kanilang selda sa sub-provincial jail sa Baybay City noong Nobyembre 5.
Walang piyansa ang inirekomenda sa pansamantalang kalayaan ng mga pulis.
MOST READ
LATEST STORIES