Klea Pineda ayaw munang magdyowa pero type raw si Andre

klea pineda at andre paras

PINILI ng Starstruck Ultimate Female Survivor na si Klea Pineda na magkaroon ng party sa kanyang 18th birthday kesa bumili ng kotse. Sa ngayon kasi, family car ang gamit niya para sa taping ng Encantadia kung saan normal na tao na ang role niya mula sa pagiging Sang’gre.

“Minsan lang naman po dumating sa isang babae ang maging 18. Gusto kong maging memorable ‘yon. Ayokong mag-regret na hindi koi to ginawa nang dumating sa akin ang edad na ‘yon,” rason ni Klea sa pocket interview na binigay sa kanya ng GMA Artist Center.

Bilang paghahanda, personal na ang ginawang food tasting ni Klea sa ihahanda sa post-debut celebration niya ngayong Sabado, March 25, sa Nobu Hotel/Wave Poolside ng City of Dreams Manila. Fierce na fierce din ang kanyang pre-debut photos na naka-post sa website ng GMA Artist Center.

Wala namang special escort si Klea sa debut. Father daw niya ang magiging special dance niya. Bigo nga lang siya kay Andre Paras na dumalo dahil nasa abroad ang binata sa date na ‘yon. Hindi naman niya kasi ipinagkakailangang isa sa showbiz crushes niya si Andre bukod kay Dennis Trillo.

“Marami kasi akong natatanggap sa social media accounts ko na bagay kami ni Andre. Magkasing-height daw kami. Nakakakilig din siyempre! Ha! Ha! Ha!” sey pa ng Starstruck winner.

Pero wala siyang boyfriend ngayon. Bawal pa rin daw siyang tumanggap ng manliligaw. Ngayon kasing nasa showbiz siya na isa sa pangarap niya noon, nais din niyang tuparin pa ang isa niyang pangarap na maging beauty queen.

“Hindi pa naman ‘yan ngayon. May be a year or two. Kailangan kong mag-training nang husto,” katwiran ni Klea.

Read more...