Maine bagong Kapuso ‘dramedy’ princess; magaling nang magpaiyak at magpatawa

alden richards at maine mendoza

KERI nang tawaging Drama Princess si Maine Mendoza! Aba, kayang-kaya rin niyang umiyak gaya ng episode last Monday ng Destined To Be Yours habang kausap ang may sakit na si Tala.

In fairness, totoong luha ang lumabas sa mata ni Maine. Nakakapanibago sa kikay niyang character sa series. But she passed the test with flying colors ayon sa netizens na nakapanood sa episode.

Sa totoo lang, may ibubuga rin si Meng sa drama. Swak sa kanya ang kasabihan sa showbiz na pag magaling na komedyana eh magaling din sa drama. At least, hindi one dimensional lang ang acting na kaya niyang ipakita!

Sa ngayon, hindi nababakante sa taping sina Maine at Alden Richards. Kailangan din kasi nilang mag-imbak ng ilang episodes dahil bibiyahe sila sa Holy Week para sa kanilang show sa Amerika na “KS Sa US (Kalye Serye sa US).”

Kailangan din nilang maglaan ng oras sa rehersals dahil ayaw naman nilang mabigo ang matagal nang naghihintay na Team Abroad ng AlDub Nation sa America.

Ang balita nga namin, ang lakas-lakas na ng benta ng mga ticket para sa US concert nila, huh! So sa Team Abroad, get your tickets now para hindi kayo maubusan!

Read more...