Tuluy-tuloy ang hamon at giyera sa Encantadia

GLAIZA DE CASTRO AT EULA VALDEZ

GLAIZA DE CASTRO AT EULA VALDEZ

SIMULA umpisa, Encantadia never failed to make the viewers feel every emotion there is dahil sa plot twists ng istorya nito.

Lalo na ngayong mukhang may bago na namang pagsubok ang paparating sa kaharian Encantadia dahil sa mga plano ni Avria (Eula Valdes). Sabi nga ng mga Encantadiks nakaka-excite daw umuwi ng mas maaga para subaybayan ang fantaseryer ng GMA. Kaya naman ngayong wala na sa Lireo ang bagong mga tagapangalaga na sina Ariana (Arra San Agustin), Lira (Mikee Quintos), Mira (Kate Valdez), Luna (Inah de Belen), Muyak (Klea Pineda) at Paopao (Phytos Ramirez) dahil nagsimula na silang magsanay sa isla ni Cassiopea (Solenn Heussaff), kaabang-abang ngayon ang mga susunod pang kaganapan.

Abangan din ang mga bagong pagsubok na haharapin nina Pirena (Glaiza de Castro), Danaya (Sanya Lopez) at Ybrahim (Ruru Madrid).

Anu-ano kaya ito? Malampasan kaya nila ang parating na challenges? Napapanood pa rin ang Encantadia sa GMA Telebabad after 24 Oras.

Read more...