UMABOT sa 14 na bilyonaryong mga Pinoy, sa pamumuno ni Henry Sy Sr., ang nakapasok sa pinakamamayayamang tao sa planeta, ayon sa 31st Forbes’ World’s Billionaires list.
Mas marami ang nakapasok na mga Filipino ang nakapasok sa Forbes’ kumpara sa 11 noong 2016.
Para sa 2017, umabot sa 2,043 tao sa buong mundo ang pumasok sa listahan ng mga bilyonaryo ng Forbes Magazine, o 13 porsiyentong pagtaas.
Base sa Forbes, umabot sa $12.7 bilyon ang net worth ni Sy, na siyang may-ari ng SM Investments Corp. na kumukontrol sa bangko sa bansa, shopping mall at retail business.
Nananatili si Sy, 92 na tanging Pinoy na nakapasok sa 100 wealthiest people sa buong mundo.
Sinundan siya ni John Gokongwei Jr., na may net worth $5.8 billion. Pumangatlo si Lucio Tan, na may kabuuang yaman na $3.7 bilyon.
Pasok din ang mga sumusunod sa listahan ng Forbes Billionaires list:
George Ty, $3.5 bilyon
Enrique Razon Jr., $3.4 billion
Tony Tan Caktiong, $3.4 billion
David Consunji, $3.1 billion
Andrew Tan , $2.5 billion
Robert Coyiuto Jr., $1.5 billion
Manuel Villar Jr., $1.5 billion
Ramon Ang, $1.4 billion
Eduardo Cojuangco Jr. , $1.2 billion
Roberto Ongpin, $1.1 bilyon
Edgar Sia II, $1 bilyon.