Suspek sa road rage sa Cebu nasa kustodiya ng opisyal ng pulis

road rage

CEBU CITY —Iba kapag isang opisyal ng Malacanang ang naging dahilan ng pagsuko nang itinuturong suspek sa pamamaril ng isang nurse sa Cebu City dahil sa away-trapiko.
Sumuko si David Lim Jr. kay Chief Supt. Noli Taliño, director ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) ganap na alas-2 ng umaga kahapon.
Pamangkin si Lim ng umano’y drug lord na si Peter Lim, ayon kay Taliño.
Imbes na ikulong sa Cebu City Police Office na siyang nagsasagawa ng imbestigasyon sa pamamaril, dinala si Lim sa Regional Intelligence Division sa Camp Sergio Osmeña, headquarters ng PRO-7.
Sinamahan si Lim ng kanyang nanay na si Bebong, dalawang kamag-anak, ang kanyang abogadong si Orlando Salatandre Jr. nang siya ay tumungo sa opisina ni Taliño sa Camp Sergio Osmeña.
Itinext pa ni Taliño si Special Assistant to the President Secretary Bong Go, para iulat ang pagsuko ni Lim.
“Sir good am. Please be informed that David Lim Jr., the road rage suspect, has surrendered to RD-PRO 7 at around 2 a.m., March 21. 2017 at PRO 7 accompanied by his mother Bebong, two relatives, and lawyer Jun Salatandre. He is currently under my custody at RID pending the filing of the case un court. FYI sir.,” sabi ni Taliño.
Sa isang panayam sa ABS-CBN kahapon ng umaga, inamin ni Taliño na nasa opisina ng PRO 7 si Lim habang hinihintay ang pagsasampa ng mga kaso laban sa kanya.
Itinanggi ng opisyal na binibigyan ng special treatment si Lim.
Nauna nang sinabi ni Go na nagpadala ng surrender feelers si Lim sa pamamagitan ng kanyang nanay.
Itinanggi naman ni Go na personal niyang kilala ang mga Lim, sa pagsasabing ang negosyanteng si Peter Go ang kanyang kakilala.
Itinago naman ang pagsuko ni Lim matapos na hindi nalaman ni Senior Supt. Joel Doria, director ng Cebu City police ang kanyang nakatakdang pagsuko.
“Nag-surrender na pala? Wala akong alam na nag-surrender na pala siya,” sabi ni Doria.

Read more...