Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.6 ang Cebu kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-3:41 ng umaga.
Ang sentro nito ay anim na kilometro sa kanluran ng Asturias. May lalim itong isang kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagresulta ito sa Intensity IV sa Asturias at Busay sa Cebu at Cebu City.
Intensity III naman sa Mandaue City at Intensity II sa Lapu-Lapu City.
Samantala, alas-3:43 ay naramdaman naman ang magnitude 3.3 na paggalaw sa Asturias, Cebu.
May lalim itong isang kilometro at sanhi rin ng paggalaw ng tectonic plate.
Nagdulot ito ng Intensity III sa Astrurias, Cebu at Cebu City at Intensity II sa Lapu-Lapu City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending