Cignal-San Beda llamado kontra Tanduay sa PBA D-League semis

Mga Laro Ngayon
(Marikina Sports Complex)
3 p.m. Café France vs Racal
5 p.m. Tanduay vs Cignal-San Beda
(Game 1, best-of-three semifinals)

UNANG panalo ang asam ng apat na koponan na nananatiling buhay ang tsansa sa kampeonato sa pagsisimula ngayon ng kani-kanilang sagupaan sa maigsi na best-of-three series ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.

Mismong ang six-time D-League champion coach na si Boyet Fernandez ay naniniwala na malaking bentahe ang magwagi sa Game One kung saan makakatapat ng koponan nitong Cignal-San Beda Hawkeyes ang mapanganib at beteranong koponan sa liga na Tanduay Rhum Masters.

“It’s very important for us to win Game One and take control of the series. Facing Tanduay in the semis is a tough matchup for us. We just have to be ready and prepared for them,” sabi ni Fernandez.

Hindi lamang itataya ng Hawkeyes ang kanilang walong diretsong sunod na panalo sa paghaharap sa semis kung saan hindi pa rin nabibigo si Fernandez sa kanyang mga laban sa Final Four simula pa noong hawak ang NLEX.

Gayunman, aminado si Fernandez na hindi na masasandigan ang winning streak dahil kapwa nakatuon ang mga koponan na lumapit sa titulo.

“We’d rather look at it at a game-to-game basis and not mind the streak,” sabi ni Fernandez, na aasa kina Jason Perkins, Robert Bolick at Javee Mocon para pamunuan ang Cignal.

“Underdog kami dyan, but we know we have everything to gain and nothing to lose,” sabi lamang ni Tanduay coach Lawrence Chongson habang aminado sa matinding hamon kontra sa Hawkeyes na bitbit ang mga naging players ng NCAA Season 92 champion San Beda.

“Teams have to find their own niche. Luxury ng school-based teams ‘yung chemistry nila so I have to find mine and I think we found a way naman and we thought that going with the ex-pros is the way to go,” sabi nito.

Pamumunuan nina Mark Cruz, Jerwin Gaco, at Bong Quinto ang Rhum Masters na sasagupa sa Hawkeyes ganap na alas-5 ng hapon matapos ang alas-3 ng hapon na sagupaan ng matagal nang magkaribal na Café France Bakers at Racal Tile Masters.

Read more...