Sulat mula kay Ellen ng Talaba, Bacoor, Cavite
Dear Sir Greenfield,
Namamasukan po akong katulong sa ngayon ang problema kuripot po ang aking Chinese na amo at napakaliit mag pasuweldo. Noong una ay maganda ang pakikitungo sa akin pero noon nga pong tumagal bukod sa masungit ay napakaliit pang magpasuweldo, kaya balak ko na pong umalis dito. All around po kasi ang trabaho ko dito at walang day off dahil pag Sunday ay sa tindahan naman nila ako pinapapasok. Kung aalis ako dito may iba pa kaya akong mapapasukan kasi po wala naman akong gaanong kakilala dito sa Cavite? Ano po ba ang nakikita ninyong mangyayari sa aking kapalaran lalo na sa career at sa aking trabaho. November 28, 1990 ang birthsay ko.
Umaasa,
Ellen ng Cavite
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Magkadikit kasi ang Head Line at Life Line ng mahigit isang pulgada sa iyong palad (Illustration 1. arrow 1.). Ibig sabihin mahina ang iyong loob, kaya hindi ka makaalis-alis sa kuripot at walang kuwenta mong amo. Pero umasa kang sa buwan ding ito ng Marso pinapakamtagal na sa buwan ng Abril, kapag nag-period of Aries na, tuluyan ka na ring makaka-alis sa kasalukuyan mong amo upang sa susunod na pamamasukan sa isang eskuwelahan, tuloy-tuloy ka ng susuwertehin at gaganda ang iyong career.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Five of Diamonds at Ten of Diamonds (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nasasabing pag-alis na pag-alis mo sa kuripot mong amo mapapasok ka na agad sa isang establisimyeto na may kaugnayan sa eskluwelahan, bilang “utility or janitress” at sa Gawain ngang ito tuloy-tuloy ka ng uunlad at aasenso.
Itutuloy…