P261M jackpot ng Ultra Lotto

    lotto for site
Walang nanalo sa P253 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola kagabi.
      Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumaya sa winning number combination na 51-48-04-39-09-19. Umabot sa P40 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola.
    Inaasahang aabot sa P261 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto sa Martes.
    Nanalo naman ng tig-P105,270 ang 19 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.
    Tig-1,880 naman ang 880 mananaya na naka-apat na numero at balik ang P20 taya ng 22,560 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

Read more...