Ronnie: Hindi ako nagseselos sa loveteam nina Joshua at Julia!

julia joshua ronnie

ITINANGGI ng Hashtag member na si Ronnie Alonte na nagseselos siya kay Joshua Garcia dahil mas boto raw si Marjorie Barretto sa binata para kay Julia Barretto kesa sa kanya.

Nilinaw din niya ang balita na hindi niya sinipot ang birthday party ni Julia last week, nandoom daw siya pero late na siyang dumating.

Ani Ronnie, “Para sa akin wala namang selosan, kasi unang una naman talaga sa ‘Vince & Kath & James,’ sila naman talaga yung loveteam. Third wheel lang po talaga ako.”

Sila naman ang magka-loveteam ngayon ni Julia sa A Love To Last pero kung itatambal daw siya sa iba, walang raw problema, “Para po sa akin, kahit sino po ang i-love team sa akin, kapag may binigay pong trabaho, gagawin ko po. Hindi po ako nagseselos.”

Sa ngayon ine-enjoy lang nila ni Julia ang kanilang friendship at pagtatrabaho, at gusto niyang mag-focus muna sa career kesa lovelife, “Ang ganda po ng feedback ko sa mga tao, sa mga nanonood so sobrang happy ako na nag-i-improve po ako.”

Read more...