Team KimErald umaasang sina Gerald at Kim pa rin sa ending

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

PINATUNAYAN nina Kim Chiu at Gerald Anderson na buhay na buhay pa rin ang magic ng tambalang Kimerald at 100% pa rin ang suporta ng kanilang fans kahit na nga may kanya-kanya na silang lovelife.

Naging top trending topic ang episode nina Kim at Gerald sa Twitter last Saturday sa Maalaala Mo Kaya kasabay ng kaliwa’t kanang papuri sa kanila ng mga netizens na talagang tumutok sa muli nilang pagtatambal sa telebisyon matapos ang mahigit apat na taon.

Ginampanan nina Kim at Gerald ang mga karakter ng dalawang taong tunay na nagmamahalan ngunit tila pinaglaruan ng tadhana. Marami ang nagkomento na may pagkakatulad ang nasabing MMK episode sa naging kapalaran ng love story ng Kimerald na sinubok din ng mga matitinding hamon hanggang sa maghiwalay na nga, ngunit muling pinagtagpo at naging magkaibigan muli.

Ang pagtatambal ng dating magdyowa sa MMK ay patikim pa lang sa kanilang loyal fans dahil very soon ay mapapanood na rin sila sa bagong teleserye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment, ang Ikaw Lang Ang Iibigin kasama sina Jake Cuenca at Coleen Garcia.

Pero kahit na nga may Bea Alonzo na si Gerald at may Xian Lim si Kim, may mga Kimerald fans pa rin na umaasa na sina Ge at Chinita Princess pa rin ang magkakatuluyan sa ending. Yun na!

Read more...