UST Tigresses iginupo ang Adamson Lady Falcons

Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. Adamson vs DLSU (men)
10 a.m. NU vs FEU (men)
2 p.m. UE vs NU (women)
4 p.m. DLSU vs UP (women)

NAGPAKATATAG ang University of Santo Tomas Tigresses kontra sa nagnanais makapagtala ng upset na Adamson University Lady Falcons upang itakas ang panalo sa apat na set, 25-12, 25-18, 22-25, 25-19, Sabado sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Pinamunuan ni team captain Cherry Rondina ang Tigresses sa itinalang 18 puntos kabilang ang 15 mula sa spikes habang tumulong din si Ennajie Laure sa 12 kills mula sa kanyang kabuuang 14 puntos. Nag-ambag sina Pam Lastimosa at Ria Meneses ng 11 puntos para sa season host.

Napaganda ng Tigresses ang record nito sa 6-4 panalo-talo bagaman naibigay nito sa talsik na sa torneo na Lady Falcons ang ikalawa lamang nitong panalo sa set.

Samantala, isinukbit ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang ika-10 sunod na panalo upang siguruhin din ang twice-to-beat incentive sa Final Four.

Pinag-init ng ipinataw na tatlong yellow card na unang nangyari sa liga sa ikalawang set ang naghahangad sa ikatlo nitong sunod na korona na Ateneo upang ibaling ang galit sa UST, 22-25, 25-23, 25-13, 25-21, upang ipagpatuloy ang pagkapit nito sa solong liderato.

Muling nagtala ang three-time Most Valuable Player na si Marck Espejo ng pinakamahusay na laro sa kanyang 27 puntos mula sa 23 spikes upang pigilan ang Tigers at itulak muli ang Katipunan-based squad sa ika-24 nitong sunod na panalo sapul pa nakaraang taon.

Malamya na nagsimula ang Blue Eagles bago na lamang nagising matapos ang natanggap na mga kaduda-dudang pamamahala sa itinalaga na si first referee Oliver Mora.

Tabla ang iskor sa 7 puntos sa ikalawang set, binigyan ni Mora si Ateneo head coach Oliver Almadro, skipper Karl Baysa at setter Ish Polvorosa ng yellow card dahil sa patuloy na pagrereklamo sa mga non-call.

Ikinagalit ni Almadro ang walang tawag sa tabi bago ito ginawaran ng yellow card na ikinagulat naman ng kanyang mga manlalaro.

Read more...