GOOD Day, doc. I am 40 years old of Davao City. Bakit palaging bumabaho at palaging basa ang kilikili ko kahit bago akong paligo at kahit maglagay pa ako ng deodrant kahit ano ang ginawa ko pero ganun pa rin. Ano po ba ang maipapayo ninyo? — …8553
May impeksyon ang mga “SWEAT GLANDS” sa kilikili mo. Ugaliin na hugasan at linisin parati ng may ANTISEPTIC SOAP gaya ng “BETADINE OR CHLORHEXIDINE”. Uminom din ng DALACIN C 100mg, isang capsule araw-araw for two weeks. Pahiran din ng TRIDERM OINTMENT, two times a day for two weeks.
Good afternoon doc. May varicose po ako sa legs, pero konti lang naman, kasing liit lang po ng sinulid tsaka parang pula po yung kulay. Pangit pong tingnan. May gamot po ba ito, doc? Yung hndi masyadong magastos, hehehe… Thank you, doc. – Marielle Anggot, 19, Midsayap, North Cotabato, ….8052
“SPIDER ANGIOMATA” ang tawag diyan. Oo, may gamot para dyan kagaya ng “SCLEROTHERAPY” o kaya ay “RADIO FREQUENCY FULGURATION”.
Doc, ano po ang magandang gamot sa kilikili na pawisin at parang tubig kung tumagas at may amoy pa. — Joy, 30, Calamba City, Laguna, 5380
Kagaya nang tanong ng isa rin nating reader, maaaring gawin ang sinabi ko sa kanya. Pero sa A “HYPERHYDROSIS” ang pinakamagaling na gamutan ay “SURGERY”. Mayroon tayong pinuputol na ugat para hindi na magpawis ang kilikili.
Good morning, doc. Di ko alam kung may kumagat sa paa ko para siyang kagat ng lamok pero 5 days na makati, mapula at dumadami pa. Ano po kaya ang magandang ipahid? — Lina Cabrera, 61, brgy. Commonwealth, QC, … 5632
Gumamit po kayo ng DERMOVATE CREAM, ipahid 3x a day for three days.
Good evening po sa yo, Dr. Hildegardes Dineros. Ako po si Lanie, 22 yrs.old, taga-Negros Occidental, gusto ko pong magtanong. Ano bang vitamins na pwede kong i-take kasi payat na payat na ako at may nagsabi na iba na ang body ko ngayon. Nagwo-work po ako sa isang bakery at palagi talaga akong pagod. Ano bang gagawin ko, doc?
Hindi lang vitamins ang kailangan mo kundi sapat na pahinga, tulog at pagkain.
Maaari kang uminom ng Propan with iron, 1 tablet a day at Moriamin forte, 1 capsule a day.
(Editor: May nais ba kayong itanong kay Dr. Heal? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606. Si Dr. Heal ay regular din na napapakinggan sa Radyo Mediko sa Radyo Inquirer DZIQ 990Am Lunes hanggang Biyernes alas-8 hanggang alas-9:30 ng gabi.)