DIRETSONG inamin ni Angel Locsin na meron siyang idine-date na non-showbiz guy ngayon.
Sa panayam ng ABS-CBN sa aktres, sinabi nitong masaya naman ang kanyang opuso ngayon, “Okay naman siya, tumitibok-tibok naman. Lumalabas ako ngayon, yes. Lumalabas ako ngayon.”
Pero hirit ng dalaga, “Kaka-start din naman. Huwag na nating pangunahan. But happy heart naman.”
Hindi raw siya ‘yung tipo ng babae na nakikipag-date sa mahigit isang guy, “Pag nag-date naman ako, exclusive naman. Never naman akong nag-date nang sabay-sabay. Wala namang ganu’n. Pag nag-focus ako sa isang tao, yun muna and pag di naging okay, di move on.”
Dinenay din ni Angel na naging dyowa niya si Nino Barbers, anak ni dating Sen. Robert Barbers, “Never kaming nag-date ni Nino, magkaibigan kami. Nahiya nga ako sa kanya kasi bigla siyang naisyu sa mga tao, pero wala talaga.”