UMUUSOK ang talakayan namin sa programang “Cristy Ferminute” nitong simula ng working week nang makatanggap kami ng magkasunod na text message mula sa isang ABS-CBN insider who requested anonymity.
Paksa kasi namin ni Tita Cristy ang sinipot na guesting ni Nora Aunor sa Jackpot en Poy segment ng Eat Bulaga snubbing Tawag Ng Tanghalan of It’s Showtime.
Ayon sa aming texter, nagtala ang IS ng 33.6% national ratings vis a vis 11.7% na inani ng EB. Patunay na twice as many ang tumutok sa paligsahan sa pag-awit kesa sa bagong segment ng Bulaga.
For the record naman kasi, humataw nang husto sa ratings ang Showtime dahil sa TNT na siyang lumampaso sa nakakaumay nang AlDub kalyeserye, ‘no!
Nanghihinayang din ang aming texter sa ‘di pagsipot ni Ate Guy sa segment named after the amateur singing contest na siyang nagbigay-daan sa kanyang pag-aartista.
Sayang, ang guesting pa naman sanang ‘yon ni Nora ay hindi lang para bigyan siya ng tribute bilang grand champion nito (along with Diomedes Maturan, Novo Bono Jr., Jonathan Potenciano. Si direk Bobot Mortiz ay sumali rin noon pero hindi nagkampeon).
Layunin din daw ng TNT—kung natuloy ang pagsipot ni Ate Guy—na ipamukha sa mga millennials o makabagong henerasyon ang payak na simulain o humble beginnnings niya bago naabot ang estado bilang kaisa-isang Superstar ng bansa.