2 jackpot ng Lotto tinamaan

lotto for site
Tinamaan ang jackpot prize ng dalawang laro sa lotto na binola Huwebes ng gabi.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, isang mananaya sa San Fernando, Pampanga ang nanalo ng P50 milyong jackpot prize.
      Umabot sa P19.8 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola kung saan lumabas ang winning number combination na 38-49-34-02-45-39.
    Apat naman ang nanalo ng tig-P70,000 matapos makuha ang limang numero. Tig-P2,000 naman ang napanalunan ng 357 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 8,645 mananaya na nakatatlong numero.
    Samantala, sa Cainta, Rizal naman tumaya ang nanalo ng P29.5 milyon sa bola ng Lotto 6/42.
    Lumabas sa naturang bola ang mga numerong 17-29-23-28-06-21. Nagkakahalaga ng P17.4 milyon ang itinaya sa naturang bola.
    Nanalo naman ng tig-P15,310 ang 57 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P310 naman ang napanalunan ng 2,230 mananaya na nakaapat na numero. Balik taya naman ng 30,222 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...