Petron Blaze Spikers pasok sa PSL Invitational semis | Bandera

Petron Blaze Spikers pasok sa PSL Invitational semis

Angelito Oredo - March 16, 2017 - 11:00 PM

Mga Laro Bukas
(Muntinlupa City Sports Complex)
5 p.m. Sta. Lucia vs Generika-Ayala
7 p.m. Cocolife vs Cignal

INILATAG ng Petron Blaze Spikers ang pinakamatindi nitong depensa upang agad na pigilan ang mapanganib na Foton Tornadoes sa loob ng tatlong set, 25-12, 25-10, 25-23, upang okupahin ang unang silya sa semifinals ng Belo-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Sinandigan ng Blaze Spikers ang beterano na si Aiza Maizo-Pontillas habang itinala ni Mina Aganon ang kailangan na puntos upang itulak ang Petron sa ikaapat nitong sunod na panalo sa natatanging torneo ng mga volleyball club sa bansa.

Isa sa 25 manlalaro na napili sa national pool, nagtala si Maizo-Pontillas ng 10 attacks sa kanyang game-high 11 puntos habang si Aganon ay may walo kabilang ang matulis na spike sa importanteng yugto ng ikatlong set na nag-iwas sa Petron sa posibleng kabiguan.

Dahil sa panalo ay nakasiguro na ang Petron sa susunod na round kung saan makakasama nito ang dalawang iba pa na koponan at isang dadayong koponan mula sa Japan bilang guest squad.

Ang semifinals ay magsisimula sa Marso 30.

“We were expecting that the game will be close,” sabi lamang ni Petron coach Shaq Delos Santos, na siyang humawak sa Blaze Spikers na nalasap ang masaklap na kabiguan sa Tornadoes sa finals ng 2016 PSL Grand Prix.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending