Babala ni Pia sa mga lumalandi Kay Marlon: tigilan n’yo na ang bf ko, akin na siya!

MARLON STOCKINGER AT PIA WURTZBACH

MARLON STOCKINGER AT PIA WURTZBACH

HALATANG naimbiyerna si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga babaeng lumalandi sa kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger.

Talagang binantaan na ni Pia ang mga female netizen na nagpapadala ng mensahe kay Marlon sa social media.

Sa kanyang Instagram account, idinaan ni Pia ang kanyang warning sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kanyang dyowa. Nag-comment ang dalaga sa isang IG photo (magazine cover) kung saan kasama ni Marlon ang iba pang modelo.

“That’s mine on the left. You girls better know. Stop messaging my boyfriend. I know who you girls are.
“And I feel sorry for girls who let this one go. But oh well he’s mine now!” ang pagbabanta ni Pia.

Ngunit binura rin ito agad ng beauty queen, subalit may mga netizens na nakapag-screenshot nito at agad na ipinost sa social media. Feeling ng ilang supporters ni Pia, naimbiyerna na siguro ang 2015 Miss Universe sa ginagawang paglalandi ng ilang girls kay Marlon kaya nagbigay na ito ng babala.

Kung matatandaan, isang female netizen din ang sinagot ni Pia sa huli niyang #AskPia Twitter party na nagtanong sa kanya ng, “Pedeng akin na lang po si Marlon?”

Ang pabirong sagot naman sa kanya ng dalaga ay, “Mars sorry. Sakin siya.”

Read more...