Victoria Sports wagi

TINAPOS ng Victoria Sports-MLQU ang kampanya nito sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa isang panalo kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Biniktima ng Victoria Sports-MLQU ang Blustar Detergent, 85-76, para magtapos na may 2-7 kartada sa torneyo.
Nanguna para sa Victoria Sports-MLQU si Robbie Herndon na gumawa ng 19 puntos at 13 rebounds.
“Sabi ko sa players na tapusin namin ng maganda yung liga. Kahit na winless yung kalaban, hindi namin sila dapat binabalewala,” sabi ni coach Jinino Manansala.
Naputol din ng Victoria Sports-MLQU ang three-game losing streak nito kahapon.
Nagdagdag ng 14 puntos at 10 rebounds si Michael Ayonayon habang si Ryusei Koga ay may 11 puntos para sa Victoria Sports-MLQU na nabigong umusad sa playoffs.

Read more...