NAKISALAMUHA si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa mga kabataan sa Tondo na ga-graduate na next month. Sa isang video sa Instagram account niya, kasama niya ang mga mag-aaral at inilagay sa caption ang kanyang nadarama.
Sabi raw ni Pia sa mga estudyante, “Suwerte at nakapagtapos kayo. Ako nga hindi nakapag-college kasi di namin kayang bayaran yung tuition fees.
“At naging insecurity ko ng matagal na panahon yun. Hanggang ngayon, naiisip ko pa ring bumalik sa pag-aaral. Congratulations! Sana dumami pa kayo.”
Batid ni Pia na sa bansa natin, ang kahirapan pa rin ang dahilan kung bakit hindi makapagtapos ngpag-aaral ang ilan nating kababayan.
MOST READ
LATEST STORIES