Kris, 2 anak tuwang-tuwa nang muling makita si Erich

TUWANG-TUWA si Kris Aquino nang muling makita ang kaibigan niyang si Erich Gonzales matapos ang matagal na panahong hindi pagkikita.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Kris ang ilang litrato na kuha sa bahay ni Erich last weekend. Kasama ni Kris ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby nang dalawin ang Kapamilya actress sa bahay nito.

“Truly for Kuya Josh, Bimb, and me- she is family. So happy we had the chance to visit her,” ang caption ni Kris sa litrato nila ni Erich kasama ang mga anak.

Nag-post din si Erich ng litrato nila ni Bimby na magkayakap sa kanyang IG account na may caption na: “Thank you for always making time for me Ate Kris. Missed you, Kuya Josh and Bimb. Love you.”

Naging close sina Erich at Kris sa dating morning show ng Queen of All Media sa ABS-CBN. Si Kris din ang nagsilbing tulay sa relasyon nina Erich at Daniel Matsunaga na naghiwalay na rin ilang linggo na ang nakararaan.

Read more...