Keanna Reeves gustung-gustong matikman si Robin

KEANNA REEVES

KEANNA REEVES

THROUGH the invitation of Batangas Rotary Club, isa si Keanna sa mga hurado sa pangunguna ng TV/radio host Jobert Sucaldito, ang bagong labas ng PBB at 6th Big Placer na si Hashtag Nikko Natividad at ang perfume tycoon na si Joel Cruz.

Papunta pa lang ng Batangas ay sumakit na ang tiyan namin sa katatawa sa mga kwento ni Keanna. Kung hindi man siya very visible sa TV at pelikula, busy naman siya sa isang local government department.

Gaya ni Mocha Uson at kaibigan niyang si Arnel Ignacio at iba pang pro-Duterte na nasa government position na, e, hindi raw nalalayo doon si Keanna.

May ginawa rin daw siyang pelikula under Direk Chito Roño na pinagbibidahan ni Christian Bables.

Anyway, kinumusta namin kay Keanna ang friendship niya sa PBB noon na si Rustom Padilla na naging BB Gandanghari na paglabas ng Bahay ni Kuya. Hindi na raw sila masyadong nagkikita at nagkakausap pero nananatili pa rin daw ang kanilang friendship.

Tawa kami nang tawa sa kwento ni Keanna na wala raw talagang nangyaring pisikal sa kanila ni Rustom. Type na type at gwapong-gwapo raw siya talaga kay Rustom noon.

Isa pang Padilla na sobrang pinanghihinayangan niya na muntik nang mapabilang sa hanay ng mga celebrity males na naugnay sa kanya ay si Robin Padilla. Wala pa si Mariel Rodriguez sa buhay ni Robin that time. Nu’ng mag-celebrate ng birthday si

Rustom sa isang yate, e, na-inlab daw agad si Keanna sa mala-Balagtas na pananalita ni Robin.

Pero sabi raw sa kanya ni Rustom, “‘Wag daw si Robin. Sayang, wala tuloy akong natikman na Padila. Ha-hahaha!”

Ang ilan sa mga na-link kay Keanna ay sina John Prats, Jake Cuenca, Joseph Bitangcol at Cogie Domingo.

Read more...