LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na naglalayong magbigay ng libreng tuition fee sa mga state universities and colleges (SUCs).
Sinabi ni Sen. Benigno Paolo “Bam” Aquino IV, pangunahing may-akda ng Senate Bill No. 1304 o ang “Free Higher Education for All Act,” na layunin ng panukala na magbigay ng ayuda sa mga mahihirap na estudyante.
“In line with the mandate of our Constitution, the State must uphold the right of all citizens to quality education at all levels,” sabi ni Aquino.
Sinabi ni Aquino na aabot sa 645,566 ang mga mag-aaral sa SUCs at mangangahulugan ito ng P16 bilyong taunang pondo para sa tustusan ito o P9,407 kada isa para sa buong taon.
“It’s a fair price to embolden and empower more Filipinos to achieve their dreams—for themselves, for their families, and for their country,” sabi ni Aquino.
Libreng tuition sa SUCs lusot na sa Senado
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...