Mister ni yumaong senador Miriam Defensor itinalaga ni Duterte bilang presidential adviser

 

ITINALAGA ni Pangulong Duterte ang mister ni yumaong dating senador Miriam Defensor-Santiago na si Narciso Santiago, Jr. bilang Presidential Adviser on Revenue Enhancement na may ranggong Undersecretary.

Namatay si Santiago dahil sa sakit na lung cancer.
Nakalaban ni Duterte si Santiago sa nakaraang eleksiyon sa pampanguluhan noong Mayo 2016.
Bukod kay Santiago, itinalaga rin ni Duterte ang singer na si Paolo Santos bilang miyembro ng Board ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Pinalitan ni Santos si Ma. Lorders Lilia Espinosa-Supnet.
Inihayag din ng Palasyo ang pagkakatalaga ni Louis Acosta bilang Associate Justice ng Court of Appeals (CA) kung saan pinalitan niya si Agnes Carpio.

Read more...