Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.0 ang Batangas kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:48 ng umaga. Ang sentro nito ay 16 kilometro sa kanluran ng Calatagan at may lalim itong 115 kilometro. Gumalaw ang tectonic plate sa lugar na siyang naging sanhi ng lindol. Walang inaasahang aftershock at pinsala ang Phivolcs sa paggalaw na ito. Alas-3:38 ng umaga kahapon ng maramdaman ang magnitude 2.0 sa kaparehong lugar. Mahina ito kaya hindi naramdaman sa ibabaw ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.