Nasawi ang isang kolumnista ng pahayagang Remate nang pagbabarilin ng
mga armadong naka-motorsiklo sa Milagros, Masbate, Lunes ng umaga.
Ikinasawi ni Joaquin Briones Jr., kilala rin sa tawag na “Dos por
Dos,” ang mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, sabi ni
Chief Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional
police.
Naganap ang insidente dakong alas-8:30 sa bahagi ng National Highway
na sakop ng Sitio Feeder Road, Brgy. Bacolod.
Nagmomotorsiklo pauwi si Briones, nang pagbabarilin sa likod ng
dalawang lalaking magkaangkas sa pulang motorsiklo, ani Calubaquib.
Natagpuan sa pinangyarihan ang dalawang basyo ng kalibre-.45 pistola.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga salarin at kung may kinalaman
ang pagpaslang sa trabaho ni Briones.
MOST READ
LATEST STORIES