Mga Laro Ngayon
(JCSGO Gym)
3 p.m. Café France vs Batangas
5 p.m. Cignal vs Racal
Team Standings: y-Cignal (7-1); y-Racal (7-1); *Café France (6-2); Tanduay (5-3); AMA (5-4); JRU (4-4); x-Batangas (3-5); x-Wangs (3-6); x-Victoria (1-7); x-Blustar (0-8)
y – outright semis
* – twice-to-beat
x – eliminated
MAGSASAGUPA ngayon ang Cignal-San Beda at Racal sa tila paunang laban sa posibleng kampeonato at kung sino ang ookupa sa unang puwesto sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup playoffs sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Bitbit ang parehas na 7-1 record at kapwa sigurado na sa outright semifinals, paglalabanan na lamang ng Hawkeyes at Tile Masters ang prestihiyo sa pagsukat sa kani-kanilang lakas at makamit ang psychological edge sa posibleng paghaharap para sa titulo.
Matapos mabigo sa una nitong laro sa pagbubukas ng torneo ay itinala ng Cignal ang pitong sunod na panalo na ang huli ay ang dominanteng 94-50 panalo kontra sa Jose Rizal University Heavy Bombers noong Marso 2. Asam nito ang ikawalong diretsong panalo patungo na sa playoffs.
“We’re not resting one bit because we really have to prepare for this Racal team,” sabi ni Cignal-San Beda coach Boyet Fernandez, na six-time D-League champion mentor, sa kanyang pagnanais obserbahan ang koponan kung hanggang saan aabot kontra sa mga beteranong koponan sa liga.
Nakabawi naman ang Racal mula sa 75-77 kabiguan kontra JRU matapos maungusan ang Victoria Sports-MLQU, 75-70, at ang Café France Bakers, 82-78, nakaraang linggo.
“Beating Cignal will give us another boost of confidence going to the playoffs. It’s going to be huge for our chemistry and it’s easier to develop chemistry while winning,” sabi ni Racal coach Jerry Codiñera, na umaasa na ang Tile Masters ay magpapakita ng kanilang tapang kontra Hawkeyes.