Alden naghahanda na sa unang major concert sa Kia; umapir kaya si Maine?

 

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

SUSUUNGIN nang talaga ni Alden Richards ang concert scene. Aba, may naka-sche-dule na siyang major concert sa Kia Theater this year.

Hindi na rin kasi mapi-gilan ang hiling ng ilang concert producers na pasukin ng Pambansang Bae ang concert scene. May drawing power din kasi ang Kapuso heartthrob kaya naman pila ang gustong mag-produce ng kanyang concert.

Dati-rati, two-three songs lang ang ginagawa ni Alden sa kanyang shows. This time, wala na itong urungan. Kailangan niyang tumodo sa rehearsals dahil hindi biro ang plano ng production team para sa kanyang first solo major concert. Aba, mahirap naman talaga ang nag-iisa lang sa stage tapos sing and dance pa.

Wala pang detalye sa concert ng Pambansang Bae pero siyempre, kung special guest si Maine Mendoza, ay, panalung-panalo na ito ngayon pa lang!

Read more...