PELIKULANG puno ng “first”.
Yan ang siniguro ng batambatang direktor ng “2 Cool 2 Be 4gotten” na si Petersen Vargas nang mag-guest sa “ShowbizLive” hosted by Ervin Santiago and Izel
Abanilla.
Pinag-usapan ng mag-friendship at ni direk Petersen ang proseso, mga behind the scenes at ilan pang mga kontrobersyal na nangyari sa shooting ng “2 Cool 2 Be 4gotten” sa weekly showbiz talkshow (mapapanood every Wednesday, 8 p.m. sa Radyo Inquirer, Inquirer 990 TV at Inqui-rer.net at Bandera Facebook page).
Ito ang unang full length film ng young director, ang script nito ay sinulat naman ng award winning director na si Jason Paul Laxamana (nagdirek ng Pwera Usog).
“Si Direk Jason Paul, we’ve known each other for years kasi he was the person behind the Kapampangan cinema movement. So, binuo niya yun I was one of the members and nu’ng sinulat niya itong script na to kasabay ito ng ‘Mercury Is Mine’. Naisip niya na, ‘oh highschool setting tapos mga bata.’ Tapos naalala niya yung short film ko. Kaya sabi niya kung hindi ako ang magdidirek baka pwede si Petersen,” unang kuwento no direk.
Ang “2cool 2 Be 4gotten” ay tungkol sa mga first, at siguradong papatok ito sa mga millennials pati na rin sa mga batang 90’s. Ang title kasi nito ay hango pa sa texting style noon na gumagamit ng mga numbers imbes na full words to capture the 90’s feel. Ang movie na ito ay tungkol din sa mga first na pinagdaraanan ng lahat ng kabataan.
Isang first din ito para sa lead star na si Khalil Ramos, dahil ito ang unang lead role niya at beki pa. Sa casting daw, talagang si Khalil na ang nasa isip ni direk Petersen for the role. Nasubaybayan niya kasi ito mula noong maging bestfriend siya ni Kathryn Bernardo sa Princess And I at sa iba’t ibang mga pelikula kung saan supporting character siya.
“Siya talaga yung nasa utak ko, for the role – this very quiet, anti-social, innocent guy from Pampanga. Buti na lang nagustuhan ni Khalil yung story. Kasi nu’ng napapanood ko siya sa mga indie films, you always feel his presence kahit supporting character lang siya,” papuri ni direk sa young actor.
Natakot pa nga ang production na baka i-turn down ito ng kampo ni Khalil dahil nga it tackles sensitive issues tulad ng struggle ng isang estudyante sa kanyang tunay na gender.
Sina Jameson Blake at Ethan Salvador ay pinili through audition kung saan nagkaroon din ng input si Khalil kung sino ang tingin niyang babagay sa mga role na mai-involved sa kanya.
Natanong din ang direktor kung alam ba ni Jameson na magkakaroon siya ng eksena kung saan paliligayahin nito ang kanyang sarili.
“No, pero for the auditions we didn’t give it away. We just said we are looking for a bad boy role. Actually hindi namin sinabi na, ‘uy pwede n’yo bang gawin ito?’ Binigay lang namin yung script. Tapos aantayin namin kung magre-react. Siyempre nag-react! Ha-hahaha! We just had a separate meeting just for that,” pag-amin ng direktor.
Game naman daw si Jameson sa challenge at parang naging baptism of fire nga ito para sa Hashtah member pagdating sa akting. Nagbunga naman ito dahil nanalo ang first timer sa aktingan na si Jameson ng Best Supporting Actor sa Cinema One Originals Film Festival.
Abangan din ang eksena na tinawag ni direk na “literal climax” ng movie kung saan nasa shower sina Khalil at Jameson.
Ang hugot naman ng pelikula ay manggagaling sa mga taong nakaranas ng ma-in love o di kaya’y sa mga confuse pa rin sa kanilang gender, “Ang hugot dito ay very specific, eh. Hindi mo nga kilala yung sarili mo tapos paano mo pa malalaman kung ano ang love. Which I think every young person goes through. We think we know love, but we don’t even know ourselves.”
Para sa mga batang 90’s, siguradong magbabalik sa kanilang mga alaala ang kanilang hugot moments noon, kahit sa mga maliliit na eksena na memorable pero hindi na nangyayari sa mga panahong ito.
“Kasi meron kaming isang eksena nakaharap siya sa computer tapos tumunog yung dial-up. The young ones hindi nila magets yung tunog ng dial-up pero pag ikaw narinig mo yun, oh my. Ito yung inaantay ko. A time na walang text, kaya if you want to say your feelings. Kailangan harap-harapan.”
Naka-relate rin daw dito si direk, “Ganu’n din ako noong bata, isa rin akong repressed probinsyano in Pampanga. Naghahanap din ako ng mapapanood ko na makikita ko rin yung struggle na okay lang yan, kasi pinagdadaanan talaga siya.”
Going deeper naman, pinag-usapan din ang mensahe ng movie. Sa dami nga naman ng tinalakay dito ano nga ba ang mensahe na gusto nilang ipara-ting sa mga tao?
“Hinanap talaga namin ang main message. So naka-come up kami ng isang tanong, how do you forget your first friend if he’s your first love? Kasi after e-verything pag pinanood mo siya yun ang sinasagot niyang tanong. Paano nga ba?” ang pabiting chika pa ni direk Petersen.
Ang “2 Cool 2 Be 4gotten” ay ipalalabas na sa March 15.