Cesar Montano inireklamo ng mga empleyado ng Tourism

CESAR MONTANO

CESAR MONTANO

NAGSAMPA ng reklamo sa Presidential Action Center ang mga empleyado ng Tourism Promotions Board (TPB) — isang corporate body sa ilalim ng Department of Tourism (DOT) laban sa kanilang chief operating officer na si Cesar Montano.

Nakalagay sa letter complaint ang 24 na umano’y mga kuwestiyonableng ginawa ni Montano, kabilang na ang pagpasok sa multimillion na halaga ng maanomalyang mga kontrata, pagkuha ng sariling empleyado na ang trabaho ay kapareho lamang sa mga dinatnang mga manggagawa.
Kabilang sa mga umano’y kuwestiyonableng kontrata ay ang P16.5 milyong cash sponsorship ng TPB sa isang kompanya na siyang humawak sa produksyon ng isang rali para kay Pangulong Duterte noong Pebrero 25, sa Luneta na dinaluhan ng mga tao kasama na ang mga pinasok ng mga lokal na pamahalaan.
Bukod pa rito, gumastos din umano ang TPB ng P12 milyon para sa concert nina James Reid at Nadine Lustre sa ibang bansa.
Katatalaga lamang ni Duterte kay  Montano bilang COO ng TPB noong Disyembre 2016.

Read more...