Mr. Secretary nakabuntis ng isang OJT

DA who ang isang miyembro ng Gabinete na usap-usapan ngayon sa social media dahil sa umano’y nakabuntis ng isang OJT nang siya ay konektado pa sa isang pribadong kompanya?

Alam kaya ni Pangulong Duterte at maging ng misis at ng in-laws ni Mr. Secretary, na mula sa kilalang pamilya rin ang pinaggagawa ng Kalihim?

Bigla kasing lumabas ang baho ng Secretary. Ang chika, kahit graveyard o panggabi noon si Mr. Secretary ay may itinalaga sa kanyang trainee.

Ang siste, imbes na magtrabaho si Mr. Secretary sa field, iba pala tinrabaho niya at meron ngang nangyari sa kanila ng OJT.

Akala ng Kalihim ay lusot na siya, bigla na lamang pumutok ang isyu sa kompanyang pinagtatrabahuan matapos magreklamo ang tatay ng OJT.

Nabuo kasi ang ginawa ni Mr. Secretary at nagkataong mataas pala ang posisyon sa militar ng erpat ng OJT, na nagpabola kay Kalihim at talagang galit na galit na inireklamo ang opisyal sa kanyang pinagtatrabahuan.

Napilitang mag-resign ang Kalihim sa kanyang posisyon dahil sa takot na makarating sa mga biyenan ang kanyang naging kalokohan.

Kilala ang pamilya ng napangasawa ng Kalihim at ito pa nga ang naging tulay ni Mr. Secretary para italaga sa kanyang posisyon kahit puro kapalpakan ang ginagawa.

Kaya ang ending ipinagbawal na ng kompanya ang paglalagay ng OJT sa panggabi.

Gusto nyo pa ba ng clue? Wala pa atang tamang ginawa ang Kalihim na ito sa kanyang puwesto at swerte lang sa kanyang backer kay Digong.

‘Yun na!

May isa pa kong blind item. Da who ang isang assistant secretary ng isang departmento na ginagawa na lamang panghimagas ang pagmumura.

Inerereklamo ang opisyal dahil wala siyang ginawa kundi murahin ang kanyang mga nasasakupan.
Usap-usapan na wala kang maririnig sa opisyal na ito kundi ang matutunog na mura sa kanyang mga subordinates.
Babae pa naman ang opisyal at hindi akma sa kanyang pangalan ang kanyang pag-uugali.

Idinadaan kasi niya sa pagmumura ang kanyang kapalpakan at ng kanyang boss at ang mga napapagdiskitahan ay ang maliliit na empleyado.

Nabawasan na nga ang trabaho ng opisyal at itinalaga ang isa pang assistant secretary dahil hindi nga niya nagagampanan ng maayos ang kanyang trabaho ngunit ang hindi nabawasan ay ang kanyang wagas na pagmumura.

Gusto nyo ba ng clue? Laging kontrobersiyal ang departamentong kinabibilangan ng opisyal dahil kontrobersiyal ang kanyang boss na si Mr. Secretary.

Gets n’yo na ba?

Read more...