INAMIN ni Ronwaldo Martin na crush niya ang Kapamilya talent na si Sue Ramirez. Bagaman hindi pa niya nakikita nang personal, nagagandahan ang nakababatang kapatid ni Coco Martin sa dalaga.
Sa TV lang daw niya napapanood si Sue. Napanood niya ang young actress sa dating serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na Pangako Sa ‘Yo.
Wala naman daw siyang planong ligawan si Sue dahil may girlfriend siya ngayon. Five years na raw sila ng GF niya.
Unlike Ronwaldo, wala namang nababalitang opisyal na girlfriend ngayon si Coco pero consistent ang rumor na may “something” na sa pagitan nila ni Julia Montes. Nali-link din siya kay Yassi Presman, ang leading lady niya sa Ang Probinsyano.
Kaya tinanong namin si Ronwaldo sa presscon ng “Bhoy Intsik” na isa sa entry sa Sinag Maynila Film Festival na nagsimula na noong March 9 at tatagal hanggang March 14 kung boto ba siya kay Julia. “Okey lang naman po,” lahad niya.
When we asked him again kung nakita ba niya na dinadala ni Coco sa mga family gatherings nila si Julia, hindi ang isinagot niya sa amin. Hindi pa raw niya nakikita si Julia nang personal.
“Hindi naman po kasi ako doon (kay Coco) nakatira, e. Sa Novaliches po ako nakatira. Pero hindi ko po alam kay Kuya,” sabi ni Ronawaldo.
Si Yassi raw ang nakita na niya sa personal, “Sa ano po, parang mga show-show namin. Sinasama po ako ni Kuya sa ibang bansa. Kasama po siya (Yassi),” ngiti ni Ronwaldo.