Pauleen, Patricia, Alden tinatraydor daw si Maine

PAULEEN LUNA AT PATRICIA TUMULAK

PAULEEN LUNA AT PATRICIA TUMULAK

PINAGBANTAAN ng isang nagpakilalang AlDub fan si Pauleen Luna na ilalabas nito ang mga ebidensya na magpapatunay na tinatraydor daw nila ni Patricia Tumulak si Maine Mendoza.

Nag-ugat ito sa komento ng isang Instagram follower ni Poleng matapos siyang mag-post ng litrato nila ng asawang si Vic Sotto na kuha sa Thailand. Muli kasi nitong binuhay ang issue tungkol kina Patricia at Alden Richards.

Pananakot ni @gemmeg28 kay Pauleen, “I hope hnd ka kasama sa panloloko nina Alden at tandang Patring kay Meng at aldubnation, pinagtatanggol pa nman ng ibang ADN c Patring pg nababash sya tapos totoo pala, goodluck sa lahat ng kakuntsaba nla.”

Simple lang ang naging tugon dito ni Poleng, “Kung maka tanda, magkasing edad lang ho kami.” Obviously, isang AlDub troll lang ang nagkomento sa IG post ng TV host-actress dahil wala itong profile picture at wala pang masyadong follower.

At bukod nga riyan, isa pang basher (@chactycjy) ang nag-comment at tinakot pa si Pauleen na ilalabas anumang oras ang ebidensiya kung saan kinumpirma diumano nito sa isa niyang social media post na may namamagitan na raw kina Alden at Patricia.

Hindi rin masydong nagpaapekto ang misis ni Bossing sa banta ng basher, ang naging tugon lang nito ay, “Do not put words into my mouth!”

Read more...