Julia, Coco ayaw madaliin ang lovelife

JULIA MONTES AT COCO MARTIN

JULIA MONTES AT COCO MARTIN

INAMIN ng Kapamilya Princess na si Julia Montes na espesyal si Coco Martin sa kanyang buhay.

Ito ang diretsong sinabi ng dalaga nang mainterbyu ng press matapos mag-renew ng exclusive contract sa ABS-CBN kahapon.

“Okay po kami, super okay. ‘Yun lang, sadyang busy lang talaga. Hindi kami parati nagkikita pero ‘yung communication, sobrang okay pa rin po. Kahapon magkasama kami kaya lang hindi sa magandang place. Pero okay po kami,” chika ni Julia sa panayam ng ABS-CBN.

“Sabi ko nga, kapag may best friend ka, even kami ni Kathryn (Bernardo), kahit hindi kami nagkikita lagi, ‘yung closeness nandoon pa rin. Siguro ganu’n kami ni Coco, kahit hindi kami nagkikita parati or magkasama sa work, ‘yung closeness and ‘yung friendship, hindi pa rin nagbabago,” paliwanag pa ng aktres.

Pero sabi ni Julia, “Tingnan muna natin kasi personally, mas gusto ko lang mag-focus muna. Ang tingin ko sa buhay, huwag mo lang madaliin lahat. Kapag mindali mo ang isang bagay, baka mas madaling mawala. Take it slow, relax. Tingnan po natin kung ano ang mangyayari.”

Speaking of Coco Martin, totoo kaya ang nabalitaan namin na extended uli ng ilang buwan ang FPJ’s Ang Probinsyano?

Sa huling pagkakaalam namin, hanggang Abril pa sa ere ang number one primetime series ng Teleserye King dahil napakataas pa rin ng rating nito until now.

Read more...