P9M nasungkit sa Capiz | Bandera

P9M nasungkit sa Capiz

Leifbilly Begas - March 09, 2017 - 04:41 PM
lotto for site Isa ang nanalo ng P9 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola Miyerkules ng gabi.     Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Brgy. Tiza, Roxas City, Capiz.     Siya ang nag-iisang tumaya sa winning number combination na 43-24-22-18-05-27. Nagkakahalaga ng P60 ang taya ng nanalo at siya ang pumili ng mga numero.     Nagkakahalaga ng P15.4 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.     Nanalo naman ng tig-P30,840 ang 25 mananaya na nakalimang numero.     Tig-P530 naman ang tinamaan ng 1,149 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 18,953 mananaya na nakatatlong numero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending