4 pang miyembro ng DDS inaasahang lulutang- Lascañas

lascanas
APAT pang mga miyembro ng Davao Death Squad (DDS) ang inaasahang lulutang para magsalita na rin, ayon kay SPO3 Arturo Lascañas.
“Meron,” sabi ni Lascañas nang tanungin kung batid niya na may lalabas pang kapwa miyembro ng DDS bukod sa kanya at ni kapwa umaming miyembro ng DDS na si Edgar Matobato.
Idinagdag ni Lascañas na inaasahan niyang dalawa pa ang lalantad at inaasahan din na susunod pa ang dalawang iba pang miyembro ng DDS na katulad ng umano’y naging partisipasyon ni Matobato.
Sinabi niya nakaalis na ang lulutang na dating miyembro ng DDS sa  Davao.
 Nauna nang sinabi ni Lascañas na si Duterte ang nasa likod ng DDS.

Read more...