Twitter party sa pagkakasuspinde ng account ni Mocha 

MOCHA USON

MOCHA USON

ILANG netizens ang nagdiwang sa pagkakasuspinde account ni Mocha Uson sa Twitter.

Gamit ang #MochaUsonIsOverParty ang nagsama-sama para ipahayag ang kanilang tuwa.
Hindi magkakaroon ng kapayapaan sa Pilipinas kung may Mocha Uson na mahilig palakihin ang gulo. Mahilig sa fake news. #MochaUsonIsOverParty” sey ni @DollTinker
Yasay out as DFA Sec, Mocha Uson’s twitter account is suspended. Pilipinas more good vibes please! #MochaUsonIsOverParty” ang opinion ni @chankidskids
Some netizens are even crying out na pati ang Facebook page nya na Mocha Uson Blog ay dapat din isuspinde.
“this is why Twitter is a haven compared to Facebook. #MochaUsonIsOverParty” according kay @pauliterate
#MochaUsonIsOverParty yall may have mastered and hijacked fb but twitter is a different battleground, one misinformation cannot win easily” said @hjoldr
Kagabi nag post si Mocha tungkol sa pagsuspindi ng kanyang Twitter account  sa kanyang FB page.
 
MY TWITTER ACCOUNT IS SUSPENDED. Ganito po ka hipokrito ang mga DILAW. Sinasabi niyong ayaw niyo sa diktator pero kayo ang umaasal na diktador sa Social Media. Hindi niyo mapipigilan ang katotohanan at and damdamin naming mga tunay na DDS. Laban mga KaDDS!!! MABUHAY ANG MANDIRIGMANG MGA DAMDAMIN!  Kayong mga Yellow Tae lumaban kayo ng patas. Wag maging diktador!
Sa ngayon, active na uli ang account ni Mocha pero ilang netizens nanghihikayat pa rin na ipatrend nag #MochaUsonIsOverParty

Read more...