School principal patay sa ambush | Bandera

School principal patay sa ambush

John Roson - March 08, 2017 - 07:41 PM
pangasinan map Nasawi ang isang school principal nang pagbabarilin ng mga armadong naka-motorsiklo sa San Carlos City, Pangasinan, Martes, ayon sa pulisya. Ikinasawi ni Maximo Jimenez, 64, principal ng San Vicente Elementary School sa Bayambang, ang mga tama ng bala sa likod at braso, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa Sitio Silapan, Brgy. Bolingit. Nagmomotorsiklo si Jimenez patungo sa DepEd Division Office sa Lingayen para sana magsumite ng ulat, nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na bumuntot sa kanya lulan ng isa pang motor, ayon sa pulisya. Isinugod pa ng mga rumespondeng tauhan ng San Carlos City Police si Jimenez sa Pangasinan Provincial Hospital, ngunit idineklarang patay ng doktor ang principal. Natagpuan sa crime scene ang tatlong bala ng kalibre-.45 pistola. Inaalam pa ang pagkakakilanlan, motibo, at kinaroroonan ng mga salarin, na agad tumakas matapos ang insidente. (John Roson)

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending