MINSAN nang sinabi ni APT Entertainment big cheese na si Mr. Tony Tuviera na if ever magkakaroong muli ng show si Kris Aquino on TV, it should be different from all the other shows she has done in the past.
Eto na nga, if it’s any indication that she’s resurrecting her hosting career soon ay mismong si Kris na ang nagbunyag ng working title ng aabangan niyang programa, aptly titled Trip ni Kris.
May pagka-gutter lang ang dating sa pandinig ng pamagat, very un-Kris na anumang gawing pagjojologs would betray her mien. May jologs bang maarte kung magsalita?
But based on the title, dito pa lang ay pre-sold na ang produkto na tila bigay na bigay na ang format o genre: travel.
And why not? Kris loves to do just that, ang galugarin ang iba’t ibang lugar, sampling a variety of dishes and delicacies endemic sa mga lugar na ‘yon with a peek into what these interesting, breath-taking environs have to offer to local and foreign tourists alike.
Kung totoo ngang travel ang tema ng Trip Ni Kris ay bago nga ito, malayo sa nakasanayan niyang format na celebrity-oriented or tsismis-based.
For a change, hindi ito masyadong magiging isang Kris-centered program kung saan siya na lang ang palaging bida even in the most inane of topics. Mas bibida kasi roon ang mga magagandang tanawin more than her egoistical, egotistical side.
Puwede pa nga niyang i-please ang Duterte administration in its thrust to push local tourism and at the same time heal the political wounds of the past. Walang halong kaplastikan, isa kami sa mga excited nang mapanood muli si Kris sa pamamagitan ng isang kakaiba at makabuluhang panoorin sa TV.
For all we know, sa kanya mabubuhay ang alaala ng yumaong si Susan Calo-Medina (of Travel Time), ‘di ba? And why not?