PEOPLE come and go. Living is as certain as dying.
Ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ay nalagasan ng isang marangal na opisyal na nakauunawa ng mukha ng kaguluhan at kahirapan sa rehiyong tulad ng Mindanao at kung ano ang mga nararapat na hakbang para makamit ang kapayapaan sa naturang lugar.
Kung hindi man ganap na kapayapaan, kalagayang malapit sa kahinahunan at paggalang sa pag-iral ng bawat isa, na hindi usapin o balakid ang etniko, kultural o pang-relihiyong pagkakaiba.
Ang tinutukoy ko ay ang pagkamatay ni B/Gen. Daniel Lucero, Hepe ng 1st Tabak Infantry Division ng Philippine Army.
Hindi ito kamatayan na nasa gitna ng pakikidigma. Hindi rin ito kamatayan na pataksil, bunga ng pananambang.
Si Lucero ay namatay kasama ng kanyang mga tauhan dahil sa isang napaulat na diving accident sa Tabak beach sa Tukuran, Zamboanga del Sur.
Hanggang sa huli, ipinakita ni Lucero kung ano siya bilang opisyal. Kasama ng kanyang mga tauhan. Kasama ng mga pangkaraniwang mga sundalo.
***
Sa tuwing magbubukas ang panibagong klase, ang laging nasa balita, bilang ng mga mag-aaral na mga magdaragsaan sa mga paaralan ang isa sa mga ibinabandera.
Sa school year na ito, sinasabing nasa 20.7 milyon kabataan meron ang bansa.
Ngunit may isang interesting na tanong. Ilan sa mga kabataan ang hindi nakapagpatala sa paraalan ngayong taong ito dahil sa labis na kahirapan?
May nagbibilang ba nito? May ahensiya ba ng pamahalaan na sinusubaybayan kung lumulubo o umiimpis ang bilang ng mga kabataang hindi nakapagaaral?
Wala mang tiyak na bilang tungkol dito, meron namang isang ahensiya ng gobyerno ang naglabas ng ulat na tinatayang nasa mahigit sa 3.5 milyong mga Pinoy ang nakararanas ng labis na kahirapan. Marami sa kanila ang nasa kanayunan.
Ang kawalan ng pagkakataon sa edukasyon ay isa sa mga mapapait na mukha ng kahirapan.
***
Pahabol sa usapin ng jokes…
It’s not about the kind of jokes, genders or sensitivities and sensibilities.
It’s about character.
Anuman ang mukhang ipakita ng isang personalidad sa madla, nagbibiro man siya, humihingi man siya ng tawad, lalabas at lalabas kung ano ang nasa kanyang kaibuturan. Lalabas kung ano talaga ang kanyang pananaw at ang kanyang tunay na pagkatao.
Ang kasikatan ay tunay na nakasisilaw, gaya ng araw – matarik, makinang, mataas, sikat. Ngunit ang pagsikat ng araw ay pinayuyukod ng pagsapit ng dapit-hapon.
Iyon ang batas ng tadhana. Ang lahat ng sumisikat, darating sa kani-kanilang dapit-hapo
Isang pagpupugay kay B/Gen. Lucero
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...