Inaprubahan na kahapon ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang death penalty bill.
Sa botong 216-54 at isa ang abstain, idineklara ni House deputy speaker na pasado na ang House bill 4727. Ang bersyong inaprubahan ay ipadadala sa Senado na kailangan ding magpasa ng kaparehong panukala.
Binigyan ng tatlong minuto ang mga kongresista na nais na magpaliwanag ng kanilang boto matapos ang botohan.
Sinabi ni Gabriela Rep. Arlene Brosas na: “Mataas ang pagpapahalaga ng Gabriela Women’s Party sa buhay ng tao; at pagkilala sa karapatang pantao. Ang problema sa droga at kriminalidad ay malalim na nakaugat sa deka-dekada nang kagutuman, kawalan ng trabaho at kabuhayan. Idagdag pa natin ang sistema ng hudikatura sa ating bansa, mabagal, masalimuot at napakagastos.”
Pabor naman si Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers sa panukala. “As Chairman of the Committee on Dangerous Drugs, I fully support this measure because like our President, I am fully aware of the dangers, as well as the irreparable damage, that this menace has brought our people, our children and how the entire future of our country has been compromised.”
Bago nagbotohan ay umabot sa 257 kongresista ang present sa roll call.
Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na aalisin ang mga lider ng Kamara na hindi boboto pabor sa panukala kaya binantayan kung sinu-sino ang mga ito.
Ayon kay Alvarez marami na ang nakapila na nais pumalit sa mga tatanggalin pero hindi niya pinangalanan ang mga ito. “Eh mahaba yung listahan e, maraming nagpalista e.”
Isa sa binantayan si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na tumayo at bumoto ng ‘No’.
Si Arroyo ay isa sa 14 na House deputy speaker at sa kanyang pagboto ay inaasahan na aalisin siya sa puwesto.
Bumoto rin laban sa panukala si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto na chairman ng House committee on civil service.
Kung mayroong kuwestyon ang mga tutol sa panukala, sinabi ni Alvarez na pumunta na lamang sila sa Korte Suprema.
Nauna ng sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na kukuwestyunin nila ang constitutionality ng paraan na ginamit sa pagpasa ng panukala.
Sinabi ni Lagman na nilabag ang three-day notice rule na nakasaad sa Section 26(2) ng Article VI ng Konstitusyon dahil hindi naman certified urgent ng Malacanang ang panukala.
“No bill passed by either House shall become a law unless it has passed three readings on separate days and printed copies thereof in its final form had been distributed to its Members three days before its passage, except when the President certifies to the necessity of its immediate enactment,” ani Lagman.
Depensa naman ni House majority leader at Ilocos Norte Rep. Rudy Farinas: “Nasunod ang 3-day notice rule, Thursday pa pinamahagi ang kopya ng final bill at katunayan ay may pirma nang tumanggap sa opisina ni Lagman.”
30No Matter How Bad Yesterday Was,
It Is Now Part Of The Past

MOST READ
LATEST STORIES