Sinon ‘Rogelia’ Loresca umaming kasal na sa isang British guy

 

KASAL na pala si Sinon “Rogelia” Loresca sa isang British guy na pinangalanan lang niyang Richard.

“Kasal po kami ng asawa ko doon sa London, legal po kami,” ang pag-amin ni Rogelia na sikat na sikat na ngayon dahil sa kanyang mga viral video. Pero unang nakilala ang gay hunk sa kalyeserye ng Eat Bulaga bilang si Rogelia.

Last Saturday, isinabuhay ang life story ni Sinon sa Magpakailanman at sa panayam nga ng host nitong si Mel Tiangco sinabi nitong nakilala niya ang kanyang asawa via online. Muli silang nagkasama ni Richard last December, “Nagbakasyon lang po siya nu’ng December. Kaaalis lang niya nu’ng January.

“So, binibisita naman niya ako kasi sinusuportahan niya talaga ako,” ani Sinon. Suportado raw siya ng kanyang mister sa career niya rito sa Pilipinas kaya abot-langit ang pasasalamat niya sa asawa.

Bago umuwi ng Pilipinas si Sinon noong 2016 ay nagtrabaho muna siya sa isang retail store sa London. Nang alukin siya ng Eat Bulaga na mag-join sa kalyeserye ay hindi na siya nagdalawang-isip pa.

Kilala na rin siya ngayon bilang “King of Catwalk” dahil sa mga viral videos niya kung saan rampa kung rampa ang drama niya habang naka-swimsuit.

 

Read more...