FINALLY, mapapanood na ang pinakaaabangang Korean drama na mamahalin n’yo to the moon and back, ang Love In The Moonlight simula ngayong gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Tampok dito ang break-out loveteam nina Park Bo Gum at Kim Yoo Jung, dalawa sa pinakamainit at pinakasikat na Korean stars ngayon.
Ang Love In The Moonlight ang isa sa pinakamatagumpay at pinakapinanood na serye sa Korea noong 2016 at humakot na ng maraming parangal tulad ng Best Couple, Best Excellent Actress, at Best Actor awards sa 2016 KBS Drama Awards at Best New Actress award naman para kay Yoo Jung mula sa 2016 APAN Star Awards.
Hinirang din kamakailan si Bo Gum bilang most influential Korean star at nanguna sa listahan ng 2017 Top 40 Power Celebrity list ng Forbes Korea.
Sundan ang nakakakilig na kwento sa pagitan ng Crown Prince Lee Yeong (Park Bo Gum), isang rebel prince na naghahangad ng pagbabago para sa kanyang sinasakupan at si Hong Ra-On (Kim Yoo Jung), isang ordinaryong babae na gagawin ang lahat para makita ang kanyang ina kahit magpanggap pa siya bilang isang lalake.
Unang pagkikita pa lang ay agad na nagkabangga ang dalawa nang pinagkamalan ni Lee Yeong na si Ra-On ang nagpapadala ng sulat para sa nakababatang kapatid nito.
Paglipas ng panahon, muli silang maghaharap nang ipinagbili si Ra-On ng kanyang pinagkaka-utangan para maging Eunuch or isang all-around servant at katiwala sa palasyo.
Susubukang tumakas ni Ra-On, ngunit makikita siya ni Lee Yeong. Para makapaghiganti, gagawin ni Lee Yeong ang lahat para lang pumasa si Ra-On at maging Eunuch niya. Lingid sa kaalaman ng nagpapanggap lalaki na si Ra-On na ang lalaking kinaasaran niya ay ang mahal na prinsipe na pala.
Ano ang gagawin ni Ra-On oras na malaman na si Lee Yeong ang crown prince? Paano mabubunyag kay Lee Yeong ang tunay na pagkatao ni Ra-On? Hanggang kailan nila kayang labanan o itago ang nararadaman sa isa’t isa?
Huwag palalampasin ang premiere ng Love In The Moonlight tonight sa Lunes after A Love To Last sa Primetime Bida.