Kris nag-taping na para sa #tripnikris; ipangsasabong ng GMA sa GGV ni Vice?

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

THIS time, mukhang totoo na ang pagpaparamdam ni Kris Aquino sa pagbabalik niya sa telebisyon, with matching “to where I belong” statement pa na obviously ay may konek sa slogan noon ng GMA 7.

Base sa impormasyon na nakuha namin sa isang kaibigan, finally daw ay nagdesisyon na ang Kapuso Network na “ampunin” si Kris matapos nitong layasan ang ABS-CBN.

Naplantsa na raw ang mga dapat ayusin sa pagitan ng GMA at ng kampo ni Kris. Naayos na rin daw ang naging “conflict” sa ilang bossing ng network. Siyempre marami sa mga fans ni Tetay ang natuwa at nagsabing sana raw ay wala nang mangyaring aberya sa muling pagharap nito sa TV cameras.

Sa kanyang Instagram account, ibinalita ni Kris na excited na siyang mag-taping for her new show, “I’m nervous for this new project, new journey, new team to work with, new places to explore- but I’m prepared because my new steps are being taken wearing beautiful shoes #FeelingCinderella. Leaving now.”

Nilagyan pa niya ito ng hashtag na #TripNiKris at #BestOfThePhilippines. Ayon sa kanyang followers, baka raw #TripNiKris ang magiging title ng kanyang show sa GMA.

Pero totoo kaya ang nabalitaan namin na itatapat daw sa late night show ni Vice Ganda ang programa ni Tetay? Kung true, magandang banggaan ito!

Read more...