Ronwaldo Martin pinatira ni Coco sa bahay ni Direk Brillante: Para tumino raw po ako!

RONWALDO MARTIN

RONWALDO MARTIN

VERY casual and sincere kausap ang younger brother ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin.

Super natuwa talaga sa kanya ang ilang entertainment writer during the one-on-one interview dahil mas napalagay na siyang kausap ang mag manunulat at na-express niya ng maayos ang kanyang sagot sa bawat tanong.

Together with seasoned theater actor Raymond Francisco a.k.a. RS Francisco, isa rin si Ronwaldo sa mga bida sa bagong pelikula ng award-winning director na si Joel Lamangan, ang “Bhoy Intsik.”

Isa sa official entries sa 2017 Sinag Maynila Indie Film Festival ang “Bhoy Intsik” na ipalalabas sa March 9-14 sa SM Megamall, SM North EDSA, Gateway at Glorietta 4 Cinemas.

Ang “Bhoy Intsik” ay kwento tungkol sa isang gay thief at ng kanyang protégé. Bhoy Instik is portrayed by Raymond while Ronwaldo plays the role of Marlon, a good-looking young man with no permanent address.

In a way, parang may half-truth sa totoong buhay ni Ronwaldo ang role niya sa movie. Nakitira rin kasi siya sa bahay ng ibang tao noon. There was even a time na tumira siya sa bahay ng kilalang direktor na si Brillante Mendoza.

“Kasi po may gagawin kaming film dati. Gusto po ni Kuya (Coco) doon ako kay Direk (Mendoza) para mahasa ang acting ko, para maalagaan ako, para tumino po ako,” lahad ng indie actor.

Nangiti lang si Ronwaldo nu’ng tanungin namin siya kung tumino nga ba siya sa pangangalaga ni Direk Dante. Inamin niya na naging pasaway siya noon. Pero hindi na raw ngayon.

“‘Yung nagpupuyat po, ‘yung mga ganoon. ‘Yung hindi po ako umuuwi. Syempre po may taping ang Kuya ko. Tapos madaling-araw na uuwi. Hindi niya ako aabutan sa bahay. E, kami lang dalawa ni Lola ang magkasama doon. Walang bantay lola ko. Nandoon po ako sa mga barkada ko,” kwento niya.

Tinigilan na raw niya ngayon ang paglabas-labas.

Prior to “Bhoy Intsik,” marami-rami na rin ang nagawa ni Ronwaldo na indie films gaya ng award-winning film sa Cinemalaya na “Pamilya Ordinaryo” at “Kabisera” with no less than the Superstar Nora Aunor.

“Hindi ko po alam kung natutuwa si Kuya sa akin sa mga pelikulang ginawa ko. Hindi na po kasi kami nagkikita ngayon, e,” pag-amin niya.

Nakatira si Ronwaldo sa bahay ng lola nila kasama ang papa nila ni Coco. Ito ang bahay na ipinatayo ni Coco para sa kanyang lola. Habang ang lola naman nila ay nakatira sa Casa Milan na pag-aari ni Coco.

Anyway, tama kami when we asked him kung hango ba sa ginagamit ng Action King na si Fernando Poe, Jr. bilang direktor ang Ronwaldo sa pangalan niya.

At para sa kaalaman ni Ronwaldo, kung sino ang nagbigay ng ideya sa pangalang ‘to kay FPJ, ay walang iba kundi ang “dean” ng entertainment press na si Manay Ethel Ramos. For sure, mami-meet din niya si Manay Ethel and if that time comes, ask na lang niya ang “dean” what’s the story behind his name.

Read more...