Fajardo nakuha ang ika-5 Best Player of the Conference award

MULING nakagawa ng kasaysayan si San Miguel Beermen center June Mar Fajardo matapos mapanalunan ang ikalimang Best Player of the Conference award Biyernes.

Ang parangal ay naging daan naman para makatabla ni Fajardo ang  record na naitala ni dating Beermen slotman Danny Ildefonso na nagwagi rin ng limang BPC award sa kanyang 17-year career.

Ang 6-foot-10 center na si Fajardo ay nag-average ng 19.4 puntos, 15.2 rebounds, 2.4 blocks at 1.5 assists para muling mamayagpag sa mga local players tungo sa pagkubra ng kanyang ikaapat na BPC award sa all-Filipino conference.

Nakakuha si Fajardo ng 1217 boto para mapanalunan ang nasabing parangal kung saan tinalo niya ang mga kapwa kandidato na sina Globalport Batang Pier guard Terrence Romeo, Alaska Aces forward Calvin Abueva at ang mga kakamping sina Alex Cabagnot at Arwind Santos.

Read more...