Arci gustong makipagbalikan sa anak ng prinsipe ng Brunei

i can do that
INAMIN ng Kapamilya sexy actress na si Arci Muñoz na kung siya ang masusunod, gusto niyang bigyan ng “second chance” ang relasyon nila ng kanyang rock artist ex-boyfriend na si Badi del Rosario. Ibig sabihin, mahal na mahal pa rin ng aktres ang anak ng Brunei Prince na si Jefri Bolkiah.
“Kasi it’s four years, hindi ba? You can’t just move on just like that from a four-year relationship,” ani Arci sa presscon ng bagong reality talent show ng ABS-CBN na I Can Do That.
Hirit pa ng dalaga, “Gusto ko talaga kung kayang ayusin, kasi alam ko kaya pa naman. Pero siguro hindi lang ngayon, kasi pareho kaming hindi ready.”
q q q
Nakachika rin ng press ang nagbabalik-telebisyon na si Cristine Reyes, isa siya sa mga celebrities na kumasa sa hamon ng I Can Do That. At tulad ni Arci Muñoz, gagawin niya ang lahat para maipakita sa madlang pipol ang iba pa niyang mga kakayahan.
“Bakit ako sumali? Unang-una kasi, very competitive ako. Sobrang sakto sa akin itong show na ito. At ito ‘yung matagal ko nang hinihintay na show. Kaya noong sinabi nila sa akin ito, kahit may hesitations dahil natatakot ako kung ano ang gagawin namin, ay um-oo pa din ako,” ani Cristine na isa ring hands-on mom sa anak nila ni Ali Khatibi na si Baby Amarah.
“Definitely bago naman ikasa sa show ay mayroon yang precautions,” hirit pa niya.
Samantala, hanggang saan nga ba ang kayang gawin at ipakita ng ilan sa inyong paboritong Kapamilya stars para aliwin ang mga manonood?
Anuman ang challenge, kakayanin ito ng walong I CANdidates ng I Can Do That simula ngayong Marso 11 sa ABS-CBN.
Linggu-linggong maglalaban-laban ang I CANdidates sa iba’t ibang hamon na ibibigay sa kanila kabilang na nga ang aktres at jiu jitsu enthusiast na si Cristine, aktres at in-demand cover girl na si Arci, singer-actress na si Sue Ramirez at host-comedienne na si Pokwang.
Sasamahan naman sila sa pagpapakitang-gilas ng theater actor at TV heartthrob na si JC Santos, dancer-performer Gab Valenciano, komedyanteng si Wacky Kiray, at ang model-actor at footballer na si Daniel Matsunaga.
Magsisilbing hosts ng I Can Do That ang magkaibigang sina Robi Domingo at Alex Gonzaga.
Kada linggo, iba-iba ang makaka-partner ng celebrity challengers sa pagpe-perform ng isang extraordinary act na kailanman ay hindi pa nila nagagawa.
Magtatanghal sa harap ng I CANdidates ang iba’t ibang grupo ng professional performers ng acts na maaaring nakakamangha, nakakatawa at makapigil-hininga.
Kung sa tingin ng I CANdidates ay kaya nila itong gawin, bababa sila sa hagdan patungo sa performers.
Ang unang makarating sa ikaapat o huling step ang magpe-perform ng naturang unique act at pipili ng makakaparehang I CANdidate na sa tingin nila ay ang makakapagpanalo sa kanilang performance.
Didiretso naman sa isang linggong paghahanda ang iCANdidates bago nila i-perform ang kani-kanilang unique act.
Ang pares na makakakuha ng pinakamataas na pinaghalong score mula sa grado na ibibigay ng bawat iCANdidate at extra points na ibibigay sa mananalo ng audience vote ang tatanghaling weekly winner.
Naging puspusan na nga ang rehearsals ng I CANdidates at may nagkaiyakan na dala ng sakit ng katawan at hirap na naabot nila rito. Sa katunayan, halos mabukulan si Daniel dahil natamaan siya ng props na gamit niya sa kanyang act habang nagkapasa-pasa naman si Cristine.
Ang I Can Do That ay nilikha ng Armoza Formats ng Israel at nagawan na ng lokal na bersyon sa 20 bansa sa buong mundo, kabilang na ang US version nito kung saan ang singer na si Nicole Scherzinger ang itinanghal na unang Greatest Entertainer.
Abangan ang pagbubukas ng I Can Do That sa March 11 sa ABS-CBN.

Read more...