Sinon Loresca umaming binubugbog ng tatay dahil bakla

rogelia
MAGPAPAKASERYOSO muna ang tinaguriang King of the Catwalk na si Sinon Loresca a.k.a. Rogelia sa episode ngayong gabi ng Magpakailanman sa GMA, ang “Rampa Ng Buhay Ko.” Nakilala si Sinon sa Eat Bulaga na palangiti na may halong landi.
Subalit sa likod ng kanyang mga ngiti at landi, malungkot ang naging buhay niya. Nu’ng bata pa lang ay hindi na tanggap ng ama niya ang pagiging bading niya. Bugbog-sarado siya lagi kapag nakikitang kumekembot-kembot siya. Ang panganay nilang si Catherine ang paborito ng pamilya.
Lumayas si Sinon sa kanila pagkatapos ng high school. Namasukang katulong sa Maynila pero minaltrato. Pumisan sa tiyuhin sa Payatas, nangalakal at namasukang crew sa isang food chain.
Nagkasundo ang pamilya niya nang bumalik ang kapatid mula sa London. Nagkasakit ito nang bumalik sa bansa at kinailangan ng kidney donor. Si Sinon ang naging donor sa operasyon sa London at nanatili na siya roon hanggang sa mapangasawa ang British na si Richard.
Sa London nakilala ni Sinon ang ilang OFWs na gumagawa ng malungkot na videos. Para maiba, mga nakakatawang video ang ginawa na naging viral worldwide, nakita ito ng Eat Bulaga hanggang sa pauwiin na siya ng Pilipinas para maging bahagi ng Kalyeserye kung saan sumikat siya bilang si Rogelia.
Si Sinon ang lalabas as himself sa episode na ito ng weekly drama ng GMA hosted by Mel Tiangco, kasama sina Joko Diaz, Sharmaine Arnaiz, Chynna Ortaleza at Mikoy Morales bilang young Sinon.

Read more...